2 Chinese national timbog sa droga

ARESTADO ang isang Chinese at isang Hong Kong national sa isinagawang drug buy bust  operations ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)  matapos mahulihan ng ibinebentang cocaine sa isang poseur buyer sa Pasay City, Linggo, Pebrero 13.

Sa isinumiteng ulat kay PDEA Director General Jose S. Gutierrez, kinilala ang nahuling sina Carlos Ang, 49, isang Chinese national  at Li Wia, 39, Hong Kong national, pansamantalang nanunuluyan sa room 552 ng Marriot hotel, Bgry. Villamor, Pasay City.

Batay sa inisyal na ulat ni Director Wilkins Villanueva , hepe ng PDEA- Metro Manila Regional Office, kabilang aniya  sa target ng United States Drug Enforcement Agency si Ang dahil sa kasong drug trafficking sa iba’t ibang bansa  hindi lamang sa Pilipinas.

Kabilang umano sa isang international  drug syndicate ang dalawa  na kumikilos sa iba’t ibang bansa at sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga. Alex Ching

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply