Banggaan ng mga tren ng LRT walang nasaktan

WALANG nasaktan sa banggaan ng dalawang tren ng Light Rail Transit (LRT) sa Edsa Biyernes ng umaga.

Ayon kay Willie Amarga, vendor sa tapat ng SM north EDSA, na personal na nakita ang banggaan: “Medyo malakas ang pagkakabangga pero parang walang nasaktan dahil walang sakay na pasahero ang tren na bumangga sa nagmamaniobrang tren.”

“Iyong isa papunta sa SM North galing sa Muñoz (market), at iyong isa naman nasa SM North Edsa at nagmamaniobra. Hindi nakapag-preno ang tren na galing sa Muñoz kaya nabangga niya ang tren na nagmamaniobra,” ayon kay Amarga sa interbyu sa dzMM.

“Mukhang hindi nagsakay ang tren na bumangga na galing sa Munoz,” aniya.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng kapulisan ng Quezon City Police ang insidente. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply