2 Gabinete, 6 heneral lumusot sa CA

NAKALUSOT na sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang dalawang miyembro ng Gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III kabilang ang anim na heneral na tumaas ang ranggo nang manungkulan ang bagong administrasyon.

Sa pagtatapos ng plenaryo ng CA, walang komontra sa kumpirmasyon ng ad-interim appointment nina Defense Secretary Voltaire Gazmin, dating hepe ng Presidential Security Group ng yumaong Pangulong Cory Aquino.

Lumusot din sa CA si Transportation and Communications Secretary Ping de Jesus, dating public works and highways ng yumaong Pangulong Aquino nang wala kahit isang miyembro ng CA ang komontra sa kumpirmasyon ng dalawa.

Kasabay nito, pinagtibay din ng CA ang pagtaas ng ranggo ng anim na senior officer ng Armed Forces of the Philippines (AFP)  na sina AFP chief of staff Gen. Ricardo David,  Lt. Gen Juancho Saban, Lt. Gen. Eduardo Oban Jr., Lt. Gen. Arturo Ortiz, Vice Admiral Mario Catacutan, at Lt. Gen. Gaudencio Pangilinan Jr.

Nabatid na kabilang sa mga Gabinete ni Pangulong Aquino na lumusot sa CA sina Secretary Rosalinda Baldoz ng Department of Labor and Employment (Dole), Secretary Mario Montejo ng Department of Science and Technology (DOST), Secretary Enrique Ona ng Department of Health (DOH).

Kabilang din sina Executive Secretary Paquito Ochoa, DENR Secretary Rogelio Singson, Agriculture Secretary Proceso Alcala, Tourism Secretary Alberto Lim, Energy Secretary Jose Rene Almendras, Trade and Industry Secretary Gregory Domingo at Education Secretary Armin Luistro. Ernie Reyes

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply