2 guwapings na kumatay sa bisor na bading wanted!

PINAGHAHANAP na ng operatiba ng Manila Police District (MPD) ang dalawang “call boy” na guwapings na itinuturong pumatay sa 31-anyos na supervisor na bading sa Sta. Ana, Manila, Linggo ng madaling-araw.

Nakuha sa digi cam ang larawan ng dalawang suspek, habang kasama ang biktima na tinatayang nasa edad 18-25.

Nabatid kay Sr. Insp Armando Macaraeg, hepe ng Homicide section, ang dalawang guwapings ang huling nakitang kasama ng biktimang si Albert Clarence Bondoc, 31, Supervisor ng Smart Credit and Credit Collection Department, tubong Pampanga at nangungupahan sa  Nickel st., San Andres Bukid, Sta. Ana.

Ang dalawang suspek ay nakatakdang kilalanin matapos makita ang mga larawan nila sa digi cam ng biktima na narekober sa loob ng kanyang inuupahang unit.

Ilang kalapit na kuwarto ng biktima ang nagsasabing huling nakita ang dalawang guwaping sa kuwarto ng biktima nitong Sabado ng umaga, matapos bumili ng alak.

Nauna rito, natagpuang brutal na pinatay si Bondoc, tadtad ng saksak ang katawan at nakahubad sa loob ng kanyang inuupahang unit sa pagitan ng 12:00 ng hatinggabi hanggang 1:00 ng madaling-araw noong nakaraang Linggo.

Pinaniniwalaang pagnanakaw ang motibo sa krimen dahil nawawala  ang ilang mahahalagang gamit ng biktima tulad ng Apple iPod, lap top, video camera, digital camera, at di mabatid na halaga ng cash. Rene Crisostomo

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply