2 holdaper arestado sa Tanay

ARESTADO ang dalawang holdaper, kabilang ang 17-anyos na binatilyo, matapos nilang holdapin ang dalawang estudyante Biyernes ng hapon, Pebrero 18, sa Tanay, Rizal.

Kinilala ni Rizal police director Senior Supt. Manuel Prieto ang mga suspek na sina Michael Silahis, 28 anyos, may asawa, at isang alyas “Sylvester,” 17, kapwa residente ng Barangay Plaza Aldea ng nasabing bayan.

Ang dalawa ay inireklamo nina Victoria Turbila at Rishilla Terora, kapwa 14 anyos at estudyante ng Tanay High School.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-siyete ng gabi habang naglalakad pauwi ang dalawang biktima galing sa kanilang eskuwelahan.

Hinarang umano ng dalawang suspek ang mga biktima at agad tinutukan ng patalim bago nagdeklara ng holdap.

Mabilis na kinuha ng mga suspek ang mga cellphone ng mga biktima at saka tumalilis palayo.

Agad nagtungo sa himpilan ng pulisya ang mga biktima upang magsumbong.

Makalipas ang ilang oras ay nasakote ng mga pulis ng Tanay ang dalawang suspek. Jhie Convocar

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply