2 holdapers natiklo

NAGHIHIMAS ngayon ng rehas na bakal ang dalawa sa tatlong miyembro ng Estribo gang ilang minuto makaraang holdapin nito ang isang pampasaherong jeepney sa lungsod Quezon Miyerkules ng madaling araw, Pebrero 23.

Kinilala ni Ramon Mauleon Perez hepe ng Police Station 4 ang mga suspek na sina Danny Danganan, 21, at Mark Dela Cruz, 19, pawang mga residente sa lungsod.

Sa inisyal na ulat ng  pulisya, ang mga suspek ay nadakip ng mga rumespondeng barangay tanod ng Gulod Novaliches makaraang humingi ng tulong ang biktimang si Aldrin Esposa, 22, hair stylist ng Sta. Isabel dito.

Naganap ang  insidente sa may harap ng Villaflor village, Quirino Highway, ganap na ika-12 ng hatinggabi.

Sakay umano ang biktima kabilang ang mga suspek na nagkunwaring pasahero at pagsapit sa naturang lugar ay agad na nagbunot ng patalim sabay tutok sa biktima at deklara ng holdap.

Nang makuha ang bag ng biktima na naglalaman ng Nokia 5210, Nokia 1100 at Sony PSP ay nagsipagbabaan ang mga suspect para tumakas.

Agad namang dumulog sa barangay hall ang biktima at nagsagawa ng follow up operation at nadakip ang mga suspect habang naglalakad ‘di kalayuan sa lugar ng insidente.

Ang mga suspect ay nasa pangangalaga ngayon ng Police Station 4 ng Quezon City habang inihahand ang kasong isasampa laban sa kanila. James de Jesus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply