2 illegal recruiter arestado

MISMONG mga nalokong ni-recruit ang umaresto sa dalawa sa tatlong illegal recruiter na nambiktima sa kanila, Miyerkules, Pebrero 9.

Ang mga nadakip ay sina Julie Catangui, 48, ng Block 5, Lot 12, Aroma st., Marcelo Village, Parañaque City at Victor Pizon, 47, ng Palanza st., Sta. Mesa, Manila

Samantala, isa sa kasamahan ng suspek na si Jenny Quintinita, ng Palanza st., Sta. Mesa, Manila ay nakatakas.

Sa reklamo ni Edwin Salo, 30, ng Block 44, Lot 11 Phase V-A Grand Royal, Malolos, Bulacan, inalok siya at apat niyang kasama na magtrabo sa Bahrain bilang domestic helpers at hinigan umano sila ng tig-P212, 500

Kanina, pinapunta sila sa Ninoy Aquino International Airpot (NAIA) para sa deployment pa-Bahrain pero kanilang nabatid na hindi sila kasama sa manipesto sa eroplanong sasakyan.

Dahil dito, inaresto ng mga biktima ang dalawa saka dinala sa himpilan ng pulisya. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply