2 journalists sa Palawan isusunod itumba

HUMINGI ang international media watchdog group sa awtoridad ng Pilipinas na bantayan ang seguridad nang dalawang mamamahayag sa Palawan na umano’y tinatarget upang itumba.

Ayon sa International Federation of Journalists (IFJ) nakatanggap sila ng impormasyon galing sa National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na nanganganib ang buhay ng dalawang mamamahayag sa kamay ng mga pumaslang din kay broadcaster-environmentalist Dr. Gerardo Ortega.

“This credible evidence that journalists in Palawan province face physical harm requires an urgent response by authorities in the Philippines. The IFJ demands that the Philippine National Police work to remove any possibility that further violence be perpetrated against journalists in Palawan province, and move quickly to bring those who ordered the murder of Gerado Ortega to justice,” ayon kay IFJ Asia-Pacific Director Jacqueline Park sa isang artikulong inilathala sa IFJ website, Biyernes ng gabi.

Sa isang naman ng interview ng GMA News, kinumpirma ni NUJP director Rowena Paraan na natatakot na ngayon ang dalawang mamamahayag dahil sa pagbabanta sa kanilang buhay.

“Based sa statement ng suspect, may dalawang media pa na kasama sa target,” ayon kay Paraan.

Ayon sa IFJ, si Rodolfo Edrad Jr, isa sa suspek sa pamamaslang kay Ortega, ang nagsabi sa mga awtoridad na isusunod ang nasabing dalawang mamamahayag sa target nilang itumba.

Tumanggi naman si Paraan na pangalanan ang dalawang mamamahayag.
“Confirmed na may nagmo-monitor sa bahay niya. Ini-report na niya,” sabi pa ni Paraan.
Matatandaang pinaslang si Ortega noong Enero Jan. 24 sa Puerto Princesa City matapos ang kanyang programa sa radio. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply