2 kelot utas sa saksak sa Maynila

INIIMBESTGAHAN na ng Manila Police District (MPD) ang pagkamatay ng  dalawang lalaki na natagpuang may mga tama ng saksak  iba’t ibang parte ng katawan, sa magkahiwalay na lugar sa Maynila, iniulat Linggo ng umaga, Pebrero 6.

Unang nakita ang bangkay ng biktimang si Virgilio Guisado, 29, tricycle driver, ng Yakal st., Tondo Manila.

Ayon kay Chief Inspector Armand Macaraeg,  10:30 ng gabi nitong Sabado nang madiskubre ang bangkay ni Guisado ng ilang barangay tanod sa lugar habang nagsasagawa pagpapatrolya sa Kanluran st., H. Lopes Honorio st., Balut Tondo.

Ang biktima ay tadtad ng saksak sa katawan at  posible umanong pinatay sa ibang lugar saka itinapon sa Tondo upang iligaw ang imbestigasyon.

Samantala, alas 6:45 ng umaga naman nitong Linggo nang matagpuan ang bangkay ng pangalawang biktima na tinatayang nasa edad 30-35, 5’2, katamtaman ang pangangatawan, at nakasuot ng black t-shirt at black short pants.

Isang Cristy Villena, 47, ang nakapansin sa bangkay ng biktima habang nakahandusay sa estero sa Antonio S. Abad st., malapit sa Multi Purpose Building ng Central Bank, Mabini, Malate, kaya agad niyang ipinagbigay alam sa pulisya.

Ang biktima ay may dalawang tama ng saksak sa tiyan at isa sa gitna ng dibdib, hinihinalang may mahigit apat na oras nang patay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply