2 konsehal gulpi-sarado sa mga barangay tanod

GULPI-SARADO ang dalawang konsehal ng bayan ng Angat matapos na humingi ng tulong sa mga barangay tanod ng Barangay Balasing para hulihin ang reckless driver at pahinante ng isang Elf truck na naunang humawi sa sasakyan ng mga biktima.

Nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan sina Angat Municipal Councilors Robin Cruz, 29, at William Vergel De Dios, 22, matapos kuyugin at pagpapaluin ng batuta ng mga barangay tanod na hindi pinangalanan habang hindi pa naisasampa ang mga kaso laban sa mga ito.

Ayon kay Cruz, galing sila sa pulong ng Liga ng mga Konsehal sa Malolos Capitol at binabagtas ang highway sa Barangay Guyong nang biglang hawiin ng isang rumaragasang Elf truck ang kanilang sinasakyang itim na Isuzu Crosswind na minamaneho ni De Dios.

Dahil muntik nang mabangga ang sinasakyan nila, minabuti nilang sundan ang elf truck na dumiretso sa Barangay Hall ng Balasing kung saan bumaba at tumakbo ang driver at dalawang pahinante nito.

Bumaba umano si Cruz at sinalubong ang isang tanod para i-report ang driver ng hinabol nilang elf pero laking gulat ni Cruz nang pagpapaluin siya sa ulo at ibang bahagi ng katawan ng batuta ng mga kausap na tanod.

Nang makita naman ni De Dios na ginugulpi na ang kasama, bumaba ito sa sasakyan at nagpakilalang konsehal sa Angat pero sa halip na maawat ang mga tanod, pinagpapalo rin siya ng mga ito sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nahinto lang umano ang panggugulpi sa dalawang biktima matapos na posasan sila ng dumating na mga pulis Sta. Maria sa pangunguna ni P/Inspector Apolinario Palomeno at dinala sila ng mga ito sa Sta. Maria General Hospital.

Kinondena naman ni Angat Mayor Guilberto Santos ang insidente at sinabing makaaasa ang mga taga-Sta. Maria na makakikita ng katarungan sakaling sa lugar nila maganap ang kaparehong insidente. Jun Acot

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply