2 lotto winners sa magkahiwalay na 6/42 at 6/45 kumubra na

MILYONG piso ang naging kapalit ng tig-P10.00 na puhunan ng isang binatang Cebuano at ng isang dalaga mula sa Caloocan City sa magkahiwalay na Lotto draw noong nakaraang buwan.

Ang 39 anyos na Cebuano na nakasapol sa P3,464,092.00 jackpot sa 6/42 noong Enero 25 ay pinalad na makuha ang kombinasyong 19-32-22-06-24-35 na ibinatay niya sa petsa ng kaarawan ng mga kapamilya. Kinubra ng Cebuano ang kanyang napanalunan noong Pebrero 3.

Ang 26-anyos naman na dalaga na mapalad na tumama ng P15,718,660.20 jackpot sa winning combination ng 6/45 sa mga numerong 02-05-06-11-14-17 ay tinubos na ang panalo noong Enero 31. Ang tinamaang tiket ay itinaya ng dalaga sa isang lotto outlet sa Bagong Silang, Caloocan City. Radito Torres

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply