2 LRT stations ‘di pa rin magamit ng mananakay

MAHIGIT dalawang linggo nang sarado ang 2 Light Rail Transit Stations matapos magkabanggaan ang dalawang coaches nito sa Quezon City habang patuloy pa rin ang isinasagawang “functional tests”  ng mga riles nito.

Batay sa ulat, nananatiling sarado ang Balintawak at Roosevelt Avenue Stations bagamat sinabi ng LRT Authority na umaasa silang mabubuksan muli ito ngayong linggo.

Kabilang sa isinailalim sa functional testing ang bahagi ng riles ng tren kung saan nagkabanggaan ang 2 tren.

Ayon kay LRTA spokesman Hernando Cabrera, umaasa silang malalaman nila ang resulta ng functional test sa MArtes, Marso 1.

Matatandaang nagkabanggaan ang dalawang LRT coaches noong Pebrero 18 sa bahagi ng reversing track ng naturang riles sa Quezon City.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon ng human error dahil lumilitaw na nagbabasa sa kanyang cellphone noon ang driver habang ang isa nama’y ‘di agad na napatigil ang tren na tumatakbo sa bilis na 60 kph. Alex Ching

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply