2 manggagawa todas sa bangungot

HINIHINALANG “bangungot” ang sanhi ng pagkamatay ng dalawang obrero na kapwa natagpuang wala nang buhay sa magkakahiwalay  na lugar sa Quezon City, Huwebes, Pebrero 24.

Sa isinumiteng report ng QCPD-Criminal Investigation Detective Unit (CIDU), unang nadiskubre ang bangkay ni  Jose  Sahurda, 54, construction-worker, stay-in sa kanyang pinapasukang Young Builder Constraction Corportion sa  Morato st.,Barangay. Kristong-Hari, Quezon City.

Sa imbestigasyon ng QCPD–Scene of the Crime Operatives (QCPD-SOCO), natagpuan si Sahurda ng  kanyang anak na si Santos na wala nang buhay na inakala lang niyang natutulog sa barracks ng construction site pasado 6:30 kahapon ng umaga.

Wala namang nakitang palatandaang sinaktan ang biktima.

Samantala,  bandang 8:30 naman ng gabi nang matagpuan ang bangkay ni Jade Paelyaga, 26, ng Sto. Domingo st. Barangay Sto. Domingo, Quezon City.

Lumitaw sa pagsisiyasat na wala ring bakas na sinaktan ang biktima.

Ayon sa ilan niyang kasamahan, huling nakitang buhay ang biktima nitong Pebrero 23, bandang  7 ng gabi habag kausap ang ilang kasamahan sa trabaho.

Magkagayunman, inaalam pa rin kung  may naganap na foul play sa pagkamatay  ng dalawa. Alex Ching

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply