2 parak na sangkot sa kidnapping nalambat

ARESTADO ang dalawang aktibong miyembro ng Philippine National Police at dalawa pang sibilyan sa operasyon ng Rizal Provincial PNP Command nang masabat ang mga ito sa checkpoint habang sakay ng van kasama ang kanilang dinukot na negosyante sa Pililla, Rizal.

Sa ulat na tinanggap ni Sr. Supt. Manuel Cesar Prieto, Rizal PNP Provincial director, kinilala ang mga nadakip na sina P02 Archie Alvarado y Tabalan, 35 anyos, nakatalaga sa Rizal PNP Provincial Intelligence Unit, P02 Noel Montemayor y Tamomo, 40 anyos ng Tanay PNP Police Station, Ricardo Oliveros y Lirio, 28, anyos ng Sitio Alas-Asin, Brgy. Daraitan, Tanay at Ivan Iposada y Santos, 30 anyos, tricycle driver, ng  #80 Lapu-Lapu St., Brgy. Kay-Buto, Tanay, Rizal.

Putok naman sa palo ng baril ang ulo at sugatan ang mga biktimang negosyante na sina Henrick Sarmiento, 34 anyos, may asawa ng #505 Sumulong St., Brgy. San Jose, Morong Rizal at Perry Teodoro, 39 anyos, nakatira sa #894 Concepcion St., Brgy. Dalig, Cardona, Rizal.

Ayon sa record ni Chief Inspector Edcile Canals, Pililla chief of police, dakong alas-5:00 ng hapon nang maaresto ang mga suspek matapos maalarma ang Pro-vincial PNP Command Di-rector hinggil sa dinukot na negosyante kayat agad silang naglatag ng checkpoint sa National Road, Sitio Bugarin, Brgy. Halayhayin, ng nabanggit na bayan.

Nakuha mula sa 2 pulis ang isang Toyota Lite Ace GXL na may plakang 715, isang Yamaha motorcycle, dalawang 9mm Beretta pis-tol, Taurus pistol at wallet na naglalaman ng P29,000.00 na pag-aari ng biktimang si Sarmiento.

Napag-alaman na sinita sa checkpoint ang sasakyan ng mga suspek ngunit habang nakikipag-usap si P02 Alvarado na nagpakilalang pulis ay nagawang tumalon sa sasakyan ang isa sa mga biktima at nagsisigaw na humingi ng saklolo dahil kinidnap sila.

Dito na natuklasan na may dalawang kidnap victim sa sasakyan ng mga suspek. Nabatid na dealer ng mga motorsiklo at nagba-buy and sell ang mga biktima. Cesar Barquilla/Jhie Convocar

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply