2 parak sibak sa panghihipo ng bagets

SINIBAK ng Office of the Ombudsman ang dalawang pulis dahil sa panghihipo sa isang menor-de-edad na dalagita, Biyernes, Pebrero 4.

Ang sinibak ay sina PO1 Wilfredo Ando, ng Alcantara Police Station, Cebu at SPO3 Mars Recafrente, ng PNP Station Imus, Cavite.

Sa reklamo, kinasuhan si Ando ng conduct unbecoming of a police officer dahil sa panghihipo sa maseselang bahagi ng katawan ng 15-anyos estudyante sa high-school.

Ayon sa complainant, noong June 9, 2006, 7:20 ng hapon, nagtanong sa kanya si Ando kung paano pumunta sa bahay ng isang nagngangalang Cabing.

Itinuro umano niya ang lugar, pero habang naglalakad sila ay pinisil umano ng pulis ang kanyang balikat at hinipo pa ang kanyang dibdib at ari.

Samantala, sibak din sa pwesto si Recafrente dahil sa pananakot sa kanyang asawa.

Sa sumbong ng biktimang si Margarita Organo, habang nagsasama umano sila bilang mag-asawa ay madalas siyang tutukan ni Recafrente ng .45 caliber gun kapag sila ay nag-aaway.

Tinatakot din umano siya at ang 3-taong gulang na anak na papatayin kapag gusto na nitong makipaghiwalay. Nenet Villafania

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply