2 paslit nalason sa doughnut

DALAWANG batang lalaki ang isinugod sa pagamutan matapos malason sa kinaing doughnut sa Ermita, Maynila.

Naghain ng reklamo kaugnay rito ang ina ng dalawa na si Jeanne Banez sa piskalya at sa tanggapan ni Manila Mayor Alfredo Lim.

Agad namang pinainspeksyon ng alkalde kay C/Insp Marcelo Reyes, chief ng Manila City Hall Detachment ang inireklamong branch ng  Mister Donut sa Robinson’s Place, Ermita.

Ayon sa report ni SPO3 Amador Jareno, bumili ang mga biktima ng doughnut sa nasabing outlet noong Pebrero 7 at kinain ito sa biyahe nina Jacob at Joachim.

Ngunit pagdating sa bahay ay nagsimulang sumakit ang tiyan ng dalawang bata, pagkatapos ay nagsusuka at magkasunod na dumumi.

“Imbes na masigla sila dahil busog ay nagulat na lang ako na nagsusuka na si Jacob at sumunod si Joachim. Nabahala ako nang halos magkakasabay na magsidumi ang mga ito ng tubig na may halong itim na dumi kaya dinala naming ng mister kong si Butch  sa ospital ang dalawa.

Nang ipasuri ang mga biktima ay nalaman nagkaroon ang mga ito ng “acute gastroenteritis”  at dehydration.

Umabot sa P90,000 ang hospital bill ng pamilya Banez dahil na-confine ang dalawang biktima sa loob ng pitong araw.

Base sa salaysay ng ginang ay kanyang kinontak ang pamunuan ng Mister Donut at nagpadala naman ito ng dalawang sugo.

Subalit imbes na mag-abot ng tulong ay nag-offer lang umano ang mga ito ng dalawang boxes ng donut.

Sinabi naman ng imbestigador na wala silang nagawa nang maghamon pa umano ang  Mister Donut Regional Manager Peter Ventura na magsampa na lamang ng demanda sa korte.

Nasa docket section na ang Information Sheet 11B-01588 na inihain sa mga kinatawan ng Mister Donut sa kasong Food Poisoning-Sale/Serving Food Unfit for Human. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply