2 patay, 3 sugatan sa salpukan

DALAWA ang kumpirmadong namatay habang tatlo ang sugatan makaraang salpukin ng umano’y lasing na driver ang sinasakyan ng mga biktima sa Kamias Quezon City Biyernes ng gabi, Pebrero 11.

Batay sa ulat, naganap ang insidente sa kahabaan ng  K-7 St. sa Kamias, Quezon City nang salpukin ng Toyota Innova SUV ang isang Toyota Revo.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa East Avenue Medical Center ang mga biktimang sina Ella Fernandez at Hilaria Garcia.

Sugatan naman sina Jelyn Bacod, Heidi Yumul, at Jeffrey Yumul, pawang pasahero rin ng Revo.

Pansamantalang pinigil ng mga tauhan ng Traffic Sector III ng QCPD ang driver ng Innova na kinilalang si Ariel John Bayodalin, 23, na inaming lasing siya nang mangyari ang aksidente. Alex Ching

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply