2 patay sa banggaan ng van at bus

PATAY ang dalawang sakay ng van at sugatan ang pitong sakay ng bus matapos bumangga sa pampasaherong bus sa Fairview, Quezon City.

Ayon kay SPO1 Felix Bacsimilla ng QCPD, mabilis umano ang takbo ng pampasaherong bus hanggang sa nag-overtake at binangga ang kasalubong na van.

Sa lakas ng banggaan, wasak ang harapan ng bus at van.

Agad na namatay ang sakay ng van, maliban pa sa pitong sugatan na sakay ng bus.

Inihahanda na ang patung-patong na kasong isasampa sa driver ng bus na si Juame Maglayon. Gwenn Salamida

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply