2 patay sa pamamaril sa Marikina

DALAWA katao  ang  kumpirmadong  patay kabilang  ang  11-anyos  na  bata  makaraang  pagbabarilin  sa  harap  ng  kanilang  bahay  sa  Marikina  City, iniulat Linggo, Pebrero 20.

Binawiaan  ng  buhay  habang  isinusugod  sa  Amang  Rodriguez  Memorial  Medical Center  si  Romy  Sinlao, tricycle  driver  at  nakatira  sa  Daang  Bakal  # 126 Bagong  Silang, st., Parang, sanhi  ng  mga  tama  ng  bala  ng baril  sa  iba’t ibang  parte  ng  katawan.

Namatay  naman  ang  batang biktima na si Lace Justin Lira,  nang tamaan ng bala ng baril sa ulo.

Matapos ang krimen ay agad nagsitakas  ang  dalawang  hindi  nakilalang  suspek  sakay  ng  puting MIO  motorcycle  na walang  plaka dala ang kalibre .9  mm  pistola  na  ginamit  sa  pamamaril.

Ayon  kay PO2  Mario C. Castillo  Jr, nakatalaga  sa  Mobile  Patrol  Division  na rumesponde  sa  krimen, alas 10 :45  ng gabi  kahapon nang maganap  ang  pamamaril  sa  harap  ng bahay  ng  biktima  habang  sakay  ang mga ito ng tricycle  2195 – TG.

Pagarahe na ang mga biktima nang sumulpot  ang  dalawang suspek  saka niratrat ang mga biktima.

Inaalam  na ng  pulisya  ang  pagkakakilanlan  ng mga  suspek  at  kung ano ang motibo sa krimen. Jun Ferrer

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply