2 Pinoy sa NZ, nailigtas na

KUMPIRMADONG ligtas ang dalawang Filipino na naiulat na nawawala sa gumuhong gusali ng Canterbury Television (CTV) sa New Zealand dahil sa 6.3 magnitude na lindol na naganap noong nakaraang Pebrero 22.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, nakatanggap sila ng ulat na nananatili ngayon sa Methven, isang munisipyo sa katimugan ng Christchurch, sina Rita Estrella at Hayley Concepcion.

Ang ibang mga Pinoy na pinaniniwalaang naiipit pa rin sa nasabing gumuhong gusali ay sina Jesse Lloyd Redoble, Ezra Mae Medalle, Jewel Francisco, Elisa Torres, Mary Louise Anne Amantillo, Valquin Bensurto, John Christopher Chua, Emmabelle Anoba, Ivy Jane Cabunilas at si Rhea Mae Sumalpong.

Nakikipag-ugnayan na ang DFA Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs (DFA-OUMWA) sa mga pamilya ng iba pang nawawalang Pinoy para sa paghingi ng passport information at iba pang biometric information.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply