2 preso natakasan ang NBI

DALAWANG detainee ang nakatakas mula sa kulungan ng National Bureau of Investigation (NBI) headquarters sa Taft ave., Ermita, Maynila, Miyerkules ng madaling araw.

Kinilala ni Special Agent Cecilio Zamora, tagapagsalita ng NBI, ang mga nakatakas na sina Albert Mata, may kasong payroll robbery with murder, at Acapulco Leovince, na nahaharap sa kasong kidnap for ransom.

Nabatid na dakong ika-3:15 ng Miyerkules ng madaling araw nang matuklasan ang pagtakas ng mga suspek sa pamamagitan nang paglagare sa rehas ng kanilang kulungan.

Sinasabing ang naturang selda ang dating inokupahan ni dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. nang makulong ito sa NBI jail dahil sa Maguindanao massacre.

Naniniwala ang mga awtoridad na matagal pinagplanuhan ng mga detenido ang pagtakas.

Magsasagawa umano ng imbestigation ang NBI para malaman kung may kasabwat ang mga ito, lalo na’t lumilitaw na tinakpan pa ng bimpo ang CCTV camera ng NBI para hindi makita ang pagtakas. Rene Crisostomo

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply