2 pulis na sangkot sa bigong pag-salvage, tumakas bago maaresto

TUMAKAS ang dalawang pulis na sangkot sa bigong pag-salvage sa isang buntis matapos matunugan ng mga ito na paparating na ang mga aaresto sa kanila Lunes ng tanghali, Pebrero 14, sa Taytay, Rizal.

Kinilala ang mga nagsitakas na sina PO1 Antennor Mariquit at PO2 Mario Natividad na pawang miyembro ng Rizal Provincial Police Office na may tanggapan sa Cabrera Road, Brgy. Dolores sa nabanggit bago makarating ang magsisilbi ng warrant of arrest  laban sa kanila.

Ang mga nasabing suspek ay pansamantalang nakakalaya sa kanilang kasong abduction at frustrated murder nang makapagpiyansa ang mga ito ng halagang P210,000 sa sala ni Judge Jaime Blancaflor ng Laguna Regional Trial Court Branch 26.

Ang mga pulis ay itinuro  nang biktimang itinago sa pangalang Aira, 23, na nagtamo ng mahigit 24 saksak at tama ng bala ng baril sa kanang hita bago inilaglag sa bangin sa isang lugar sa probinsiya ng Laguna.

Bukod sa tama sa katawan ng biktima ng bala ng baril at saksak sa ibat-ibang katawan ay namatay din ang sanggol na nasa sinapupunan ng biktima na noon ay apat na buwang buntis.

Patuloy naman ang pagsasagawa ng manhunt operation sa mga suspek  habang sinusulat ang balitang ito. Jun Ferrer

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply