2 salvage victim itinapon sa Navotas

DALAWANG hindi pa nakilalang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa madilim na bahagi ng isang tulay sa Navotas City, iniulat Miyerkules ng madaling-araw, Pebrero 16.

Base sa report na nakalap mula sa Navotas-PNP, 1 ng madaling-araw nang matagpuan ang bangkay ng mga biktima na tinatayang nasa pagitan ng edad 30-40.

Ayon kay Marvilo Paredes, barangay tanod ng Brgy. Northbay Blvd., South, kasama niya ang iba pang tanod habang nagpapatrol nang makarinig sila ng kalabog mula sa tulay ng R-10 at nakita ang isang sasakyan na huminto sa lugar.

Nang kanilang puntahan ay nakita nila ang bangkay ng dalawang lalaki na may nakapulupot na lubid sa leeg, naka-packaging tape ang mga bibig at punum-puno ng pasa sa katawan.

Hinala ng pulisya na pinaslang ang mga biktima sa ibang lugar at sa Navotas lamang itinapon ang kanilang bangkay. Merly Iral/Photo by Mang Canor

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply