2 salvage victims itinapon sa Maynila

NAKABALOT ng packaging tape at nakatali ang mga kamay sa likod nang matagpuan ang bangkay ng dalawang hindi nakilalang lalaki sa Sampaloc, Maynila, Linggo ng umaga, Pebrero 27.

“Patawad sa mga biktima ko, snatcher ako.” ito ang nakasulat sa placards na nakasabit sa leeg ng mga biktima.

Ayon kay MPD-Homicide Section P/Chief Inspector Armand Macaraeg, una umanong nakita ang bangkay ng biktima na tinatayang nasa edad 21-25, may tattoo sa braso na “Vina” habang may tattoo namang “Aries at PO3 de Guzman” sa likod ng katawan ng pangalawang biktima na nasa edad 21 hanggang 25.

Lumalabas na dakong 8:30 ng umaga nang matagpuan ang unang bangkay sa CM Recto ng hindi nagpakilalang taxi driver habang sa Laon Laan st., naman nakita ang pangalawang biktima.

Ayon kay Macaraeg, ang mga biktima ay pawang biktima ng “summary execution o salvage”.

Inaalam na ang pagkakilanlan ng dalawa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply