2 sibilyan patay sa engkwentro ng pulisya at NPA

PATAY ang dalawang sibilyan, habang dalawang pulis ang sugatan matapos atakehin ng grupo ng New Peoples Army (NPA) ang revenue collection station sa Brgy. Pulang Lupa sa Trento, Agusan del Sur, Martes ng umaga.

Ito ang kinumpirma ni Supt. Joseph Plaza, police provincial director ng Agusan del Sur Police Provincial Office kung saan kanyang nilinaw na ang mga namatay ay sibilyang uutusan sana sa pagkolekta ng buwis sa mga kahoy na ita-transport at dadaan sa naturang lugar.

Samantala, kinilala naman ang mga pulis na nasugatan na sina PO3 Mario Servillano at PO3 George Cabagting.

Ang dalawa ang nagsisilbing security mula request ng lokal na pamahalaan.

Sa inisyal na imbestigasyon ni Col. Plaza, tinatayang 70 NPA ang umatake sa revenue collection station pati na ang blocking force na nasa unahang bahagi lang ng encounter scene.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply