2 teams ng MVP franchise kasali sa Developmental League

DALAWANG team sa ilalim ng prangkisa ni businessman/sports patron Manny V. Pangilinan ang lalahok sa PBA Developmental League na binalangkas ng Philippine Basketball Association na naka-iskedyul magsimula sa susunod na buwan.

Ang paglahok ng North Luzon Expressway at ng Maynilad Waters bilang mga bagong koponan ay maghahatid sa 11-teams na nagpahayag na ng interes na sumali sa D-League na inisyal na walong koponan lang ang papasok sa liga.

Nauna nang nagpahayag ng kagustuhan ang Powerade, Toyota-Otis, Hapee Toothpaste at isang grupo na magmumula sa Sta. Lucia Realty.

Nakatakdang pulungin ni PBA Commissioner Chito Salud sa Lunes ang mga opisyales ng mga interesadong team tungo sa pagtalakay sa gagawing dispersal draft ng mga players ng Barako Bull na nagpahayag ng leave of absence sa susunod na PBA Conference.

Ang mga player ng University of the Philippines Varsity Team ay kakatawan sa Powerade D-Team habang pag-aaralan pa ang mga iskedyul depende sa permiso ng mga school management na kung aling gymnasium ang nakalaan para paglaruan ng mga koponan. RT

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply