2 todas sa onsehan sa shabu

PATAY ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin sa ulo ng isang armadong lalaki sa Pinagbuhatan, Pasig, Miyerkules ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktima na sina  Ismael Quijano, nagtamo ng tama ng bala sa ulo at Marc Dave Serrano, naisugod pa sa ospital subalit namatay din habang ginagamot.

Isang alyas Ali naman ang itinuturong suspek at kasalukuyan ng tinutugis na ng awtoridad.

Onsehan sa droga ang sinasabing motibo sa pamamaril makaraang makakuha ang mga pulis ng isang sachet ng shabu sa pinangyarihan ng krimen. Ben Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply