20 OFWs mula Egypt darating sa Martes

MATAPOS makabalik sa Pilipinas ang 26 na Pinoy na boluntaryong umuwi mula sa Egypt, nakatakda naman dumating bukas, Martes, Pebrero 9, ang 20 overseas Filipino workers (OFWs) na naiipit sa kaguluhan sa Cairo, ang kabisera ng nasabing bansa.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nabinbin ang pag-uwi ng 20 Pinoy na nakatakda sanang dumating nitong Sabado, pero nakansela ang kanilang flight at inunang makauwi ang 26 na Pilipino na dumating sa bansa nitong nakaraang Linggo.

Tiniyak naman ni Ed Malaya, spokesperson ng Department of Foreign Affairs (DFA), na naka-iskedyul na ang pagdating ng mga OFWs sa Martes.

Bukod sa 20 OFWs, nakatakda ring dumating sa linggong ito ang 80 pang ibang OFW na nagnanais makabalik sa Pilipinas.

Ang voluntary repatriation ng OFWs ay pinangasiwaan ng International Organization for Migration. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply