20 OFWs sa Egypt darating bukas

DARATING bukas, Linggo, Pebrero 6, ang 20 Pinoy na boluntaryong nagpabalik sa Pilipinas mula sa Ehipto dahil sa patuloy na kaguluhan sa nasabing bansa dahil sa tangkang pagpapatalsik ng mga mamamayan doon sa kanilang pangulong si Hosni Mubarak.

Inaayos na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ikalawang batch ng overseas Filipino workers (OFWs) na boluntaryong nagpapabalik sa bansa.

Sinabi ni Philippine charge d’ affairs Eduardo Pablo Maglaya na may mga Pinoy na kabilang sana sa unang batch na iuuwi ngayong araw, ngunit nagdalawang-isip nang humupa ng tensyon sa Cairo, ang kabisera ng Ehipto.

Sa kasalukuyan, may 20 katao na ang kasama sa ikalawang batch subalit nakadepende pa ang bilang kung walang aatras sa kanila.

Ayon kay Maglaya, ang 20 Pilipino ay aalis sa Egypt at dadaan sa  Dubai ika-6:55 mamayang gabi, Sabado, Pebrero 5, at darating sa bansa bukas, Linggo, bandang ika-4:20 ng hapon.

Kontrolado rin aniya ng gobyernong Ehipto ang sitwasyon matapos magdatingan ang mga sundalo at pulis sa mga lugar ng kaguluhan.

Inihayag ni Maglaya na normal na rin ang flight sa mga airport sa Egypt habang iniiklian na rin ang ipinatutupad na curfew. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply