20 raliyista patay sa Libya

NAGING madugo ang isinagawang protesta sa Libya makaraang namatay ang may 20 raliyista na nilahukan ng libu-libong katao.

Nabatid na nagmartsa ang mga nagprotesta sa isinagawa nilang “Day of Anger” upang manawagan kay Libyan leader Moammar Gadhafi sa pagbaba sa puwesto.

Nasawi ang 20 nagprotesta makaraang mamaril ang security forces sa Beyida, Benghazi, Zentan, Rijban at Darnah.

Anim ang namatay sa Benghazi nang binaril ng security forces habang 11 naman ang nasawi sa Beyida. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply