2,000 motorista lumabag sa 60-kph speed limit

MAHIGIT 2,000 motorista ang naitalang  nahuling lumabag sa 60-kilometer per hour (kph) speed limit sa Commonwealth ave., Quezon City sa loob lamang ng tatlong linggo.

“Hindi namin hinuhuli, no-contact policy ‘yan, pero kinukunan ng radar gun at camera. So walang talagang apprehension,” ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa isang panayam sa DWIZ.

“Siguro magkakamot sila ng ulo at magsisisi ‘pag dinalhan ng summonses,” ayon kay Tolentino.

Matatandaang nagpanukala ang MMDA simula noong Enero 25 ng 60-kph speed limit gayundin sa lane segregation scheme sa kahabaan ng 12.4-kilometer Commonwealth Avenue.

Ayon pa kay Tolentino, kinakailangang magbayad ng penalty ang mga lumabag  sa naturang panukala.

“Akala nila nakakalibre sila, pero after three days may notice sila para magbayad. Kung hindi, mapapa-alarm ang kanilang sasakyan,”  ayon kay Tolentino. Marjorie Dacoro

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply