20,000 electric trike papasada na

PAPASADA na ang may 20,000 electric tricycle na nilikha ng Electric Vehicle Alliance of the Philippines at Congressional Commission on Science, Technology and Engineering.

Mahigpit na sinuportahan ng  Department of Transportation and Communication, Department of Science and Technology, Department of Trade and Industry at Asian Development Bank ang naturang hakbang.

Ayon kay DOTC Sec. Jose de Jesus, mababawasan ang polusyon na dulot ng mauusok na sasakyan kapag natuloy ito.

Nakipag-ugnayan na umano ang EVAP at COMSTE sa manufacturers para sa gagawing disenyo ng e-tricycle at ini-impormahan na ang publiko ukol sa layuning magkaroon ng alternatibong sasakyan na tatakbo sa pamamagitan ng kuryente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply