2011 Philippine Open Pool Championships sasargo na

SASARGO na ang 2011 Philippine Open Pool Championships sa Abril 9-20, 2011 sa World Trade Center sa Maynila na inorganisa ng Raya Sports.

Ang 2011 Philippine Open Pool Championships ay isang world-ranking event ng World Pool-Billiard Association.

Tampok sa naturang patimpalak ang men’s and women’s division na inaasahang lalahukan ng mga sikat na pool veterans mula sa iba’t ibang bansa.

Inaasahan din na lalahok ang mga batikang Pinoy cue artist gaya nila Ronnie “The Volcano” Alcano, Roberto “Superman” Gomez at iba pang local players.

Magsisimula ang qualifying rounds sa Star Billiards Center sa Quezon City sa Abril 9-14, samantalang ang main tournament ay gaganapin sa World Trade Center sa Abril 16-20.

Ang entry fee ay nagkakahalaga ng $50 sa bawat qualifier at sa main tournament naman ay $200 para sa limang qualifier.

Ang deadline ng paglahok ay sa Pebrero 20, 2011.

Sa mga nagnanais na lumahok, bisitahin ang official website ng torneo na PhilOpen.com para iba pang impormasyon. Bineza Zapanta

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply