204 OFWs nailikas na mula sa Libya – DFA

NAKALABAS na ng Libya ang 204 na inilikas na overseas Filipino workers (OFWs) na naipit sa kaguluhang pulitikal doon.

Kinumpirma ni Atty. Ed Malaya, spokesperson ng Department of Foreign Affairs (DFA), na 97 OFWs na ang dumating sa bansang Paris, 70 sa Turkey, 12 sakay ng British vessel papuntang Malta at 13 na ang nasa Philippine Embassy ngayon sa Cairo, Egypt.

Sinabi din ni  Malaya na inaayos na sa DFA para makagamit ng C-130 plane ng Philippine Air Force (PAF) sa paglilikas ng mga manggagawang Pinoy sa Libya.

Ani Malaya, ang mga C-130 planes ang magsisilbing service ng mga ililikas na OFWs para maihatid ang mga ito sa mga karatig bansa ng Libya at buhat sa mga bansang ito ay sasakay na ng commercial flight pabalik ng Pilipinas.

Mayroon ding na barko ang pamahalaan na masasakyan ng OFWs mula Libya patungong Malta.

Ayon sa ulat, posible pang tumagal at lumala ang mga kaguluhan sa Libya matapos na magbanta si Libyan leader Moammar Gadhafi na aarmasahan niya ang tagasuporta  oras na hindi tumigil ang mga demonstrasyon laban sa kanya.

Samantala, lumipad naman pa-Tunisia ang bagong Foreign Affairs secretary na si Albert del Rosario upang personal na matutukan ang isinasagawang paglilikas sa OFWs sa Libya. Bineza Zapanta

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply