21 lady drivers sumabak na sa lansangan

SUMABAK na sa lansangan noong Miyerkules, Pebrero 23, ang 21 lady bus drivers na pumasa sa ipinagkaloob na seminar at puspusang pagsasanay na pinangasiwaan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

 Ayon kay TESDA Director General Joel Villanueva, una nilang susubukan ang kakayahan sa pagmamaneho ng bus ng mga babaing tsuper sa kahabaan ng Diosdado Macapagal Avenue mula Pasay hanggang Paranaque upang alamin kungsapat na ang kanilang kaalaman sa tamang pagmamaneho.

Sinabi ni Villanueva na pinili muna nila ang malapad na lansangan ng Macapagal Avenue bilang unang pangunahing lansangan na tatahakin ng mga lady bus drivers dahil hindi pa masyadong masikip ang daloy ng trapiko sa naturang lugar.

Sa oras na matiyak na p’wede na silang pakawalan, isusunod na kaagad isabak sa lansangan ng EDSA ang

mga ito kung saan dito ang talagang kanilang magiging ruta sa oras na matanggap na bilang tsuper ng mga kompanya ng bus.

Umaasa si Secretary Villanueva na magiging madali para sa mga lady drivers na matanggap bilang tsuper ng bus sa mga kompanya lalu na’t nahasa ng husto ang kanilang kakayahan matapos pumasa sa ipinagkaloob nilang seminar. Johnny F. Arasga/Amor Virata

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply