21 patay, 66 sugatan sa Mindanao landslides

DALAWAMPU’T isang katao na ang nasasawi dahil sa ilang linggo nang malawakang pagbaha at landslides sa Mindanao, partikular na sa Regions VIII, X, XI, Caraga at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Samantala, umakyat na sa 66 ang bilang ng mga nasugatan, maliban pa sa mga nawawala.

Ayon kay Benito Ramos, executive director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) , pinakaapektado ang Caraga, kung saan 11 ang naitalang nasawi.

Isinailalim din sa state of calamity ang buong bayan ng Jolo sa Sulu matapos lumubog sa baha ang  maraming barangay dito

Sa pinakahuling ulat ng NDRRMC ay bahagya nang humupa ang tubig-baha sa ilang lugar, maliban sa mabababang lugar.

Ang pinakahuling pag-ulan sa ilang parte ng Mindanao ay epekto ng namataang low pressure area (LPA). Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply