All Out natuka ni Yes Papa

NAPATAYO sa kinauupuan ang mga karerista matapos matuka ni Yes Papa si All Out sa naganap na Three-year-old Maiden 1 race, Martes, Pebrero 1 sa Sta. Ana park sa Naic, Cavite.

Bago pumasok ng huling kurbada ay nasa hulihan pa rin si Yes Papa na nirendahan ni class D rider Esteban S De Vera.

“Akala ko hindi kami lalampas mabuti na lamang at napakalakas ng remate namin.” pahayag ni De Vera.

Halos buhok lamang ang pagitan ng winning horse na si Yes Papa at All Out kaya naman idineklara munang photo finish at pagkaraan ng ilang minuto ay tinanghal na panalo ang una.

Nakapagtala ng tiyempong 1:24.4 sa 1,300 meter race sapat upang ibulsa ang karagdagang premyong P10,000 handog ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM).

Tumersero sa nasabing laban si Poppy’s Diamond na siyang na liyamado at pumang-apat naman si Dugo’s Paramour.

Samantala, sa unang race ng nasabing araw ng karera ay namangha naman ang mga karerista matapos manalo si Gondor na isang dehado sa Class Division 1.

Dahil sa tulin ni Gondor sa largahan ay naupos sa kahahabol ang liyamadong si Gold Asian kaya naman pati si Riesling ay hindi rin naabutan sa pangalawang puwesto. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply