227 LGUs naglahad ng financial transactions

TUMALIMA sa utos ni Interior and Local Government Secretary Jesse M. Robredo ang mga opisyal ng may 227 local government units para sa paglalantad sa publiko ng kanilang mga transaksiyon at nagastos.

Sa nasabing full disclosure policy, kinakailangang ipaskel ng LGUs ang kanilang financial transactions at naging gastusin sa mga programa sa kanilang lokalidad alinsunod sa hakbangin ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino, III kontra katiwalian tungo sa matuwid na pamahalaan.

Ani Robredo, sa kabuuang 227 LGUs na sumusunod sa kanyang kautusan, 10 ang probinsiya, 25 ang lungsod at 192 ang munisipalidad.

“Sa buong kapuluan mayroon tayong 80 probinsiya, 122 lungsod  at 1,512 munisipalidad o kabuuang 1,714 LGUs,” pahayag ni Robredo.

Nauna rito, naglabas  ng Memorandum Circular 2010-083 ang DILG na inoobliga ang lahat ng probinsiya, lungsod at munisipalidad na ilantad sa publiko sa pamamagitan ng pagpapaskel sa mga lantad na lugar na pag-aari ng gobyerno o pagpapadiyaryo o paglalagay sa websites ng kanilang financial transactions.

Kabilang sa mga dokumentong dapat malaman at ianunsiyo sa publiko ang Annual Budget Report; Statement ng mga gastusin; Statement ng mga resibo at gastos; Trust Fund Utilization; Quarterly Report of Special Education Fund Utilization; at 20% Component ng IRA Utilization.

Bukod sa panawagan sa iba pang LGUs, binalaan din ni Robredo ang mga lokal na opisyal na mahaharap sila sa kasong gross negligence or dereliction of duty sa ilalim ng Section 60 ng  Local Government Code of 1991 kung hindi susunod sa kautusan. ALEX CHING

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply