23 Pinoy Seamen, na inatake sa Somalia ligtas na nakarating sa Malaysia

LIGTAS na nakarating sa Malaysia ang 23 Pinoy seaman na sakay ng M/T Bunga Laurael at Malaysian owned tanker na iniulat na  inatake ng mga Somalian Pirate.

Batay sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) nakaligtas ang tanker at nakarating na ito sa Port Klang, Selangor kasunod ng inilunsad na interdiction at rescue operations ng navy commandos ng Malaysia.

Tiniyak naman ng Misc. Fleet manning operations Senior Manage Achuttan Nair Balan na sasagutin ng kanilang kumpanya ang debriefing, phychiatric session na kakailanganin ng crew upang mabawasan ang kanilang trauma.

Bibigyan din ang mga ito ng kumpletong health care coverage pagbalik sa Pilipinas.

Ayon kay Balan, makatatanggap din ng compensation ang crew para sa mga gamit nila na nawala nang umatake ang mga pirata. Johnny F. Arasga/Amor Virata

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply