25th anniversary ng Edsa People Power dadagsain ng mga artista

DADAGSAIN umano ng mga artista ang selebrasyon ng 25th anniversary ng Edsa People Power sa Pebrero 25 at asahan ang isang bonggang konsiyerto.

Ayon kay Ogie Alcasid ng People Power Commission, magsasama-sama ang naglalakihang bituin sa nasabing anibersaryo.

Ceasefire muna sa nasabing pagtitipon ang “network war” at isasantabi muna ang pagiging Kapamilya, Kapuso o Kapatid.

Ang tema ng anibersaryo ay “Tatak Edsa 25” kaya naman matutunghayan ang iba’t ibang sining ng pagtatanghal gaya ng awitin, sayaw, teatro kung saan ang lahat ay pawang OPM.

Nahati ang programa sa lima: Kasaysayan ng EDSA, Ang Diwa, Ang Simbolo, Mga Bayani at Ang People Power Ngayon.

Makikibahagi sa anibersaryo sina Regine Velazquez-Alcasid, Sarah Geronimo, Philippine Madrigal Singers at marami pang iba.

Samantala, magsisilbing host sina Kris Aquino, Ogie Alcasid, Dingdong Dantes at Ryan Agoncillo.

Inaasahan din ang pag-awit ni Pangulong Benigno Aquino III sa nasabing selebrasyon.

Ilulunsad din sa anibersaryo ang bagong kanta ng Philippine Association of National Advertisers (PANA), ang “Narito Ako, Pilipino” na maririnig sa mga istasyon ng radyo sa darating na linggo. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply