25th anniversary ng EDSA People Power pinaghahandaan na

PINAGHAHANDAAN na ang ika-25 anibersaryo ng EDSA People Power sa tulong ng mga pribadong sektor.

Ayon sa report, sinimulan nang linisin ang simbolikong monumento ni Mama Mary sa Ortigas sa tulong ng Cif na isang uri ng cream surface cleaner.

Magkatulong ding nilinis ng  Cif Cream Surface Cleaner, Spirit of Edsa Foundation at
People Power Commission ang dalawang malaking landmarks na EDSA Shrine at EDSA People Power Monument na sumisimbolo sa makasaysayang peaceful revolution na nilahukan ng libong mamamayan noong 1986.

Kasama sa paghahanda sa pag-alala sa EDSA People Power Celebration ang pagsasanib-puwersa ng mga cleaning brigade kung saan kasama ang mga volunteers ng JC Manilenas, Boy Scouts of the Philippines, Department of Public Works and Highways, Armed Forced of the Philippines, Metro Manila Development Authority, mga pari at madre, Unilever employees at ilang miyembro ng media. Nenet L. Villafania

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply