26 bahay natupok sa sunog sa Novaliches

TINATAYANG aabot sa 26 bahay ang tinupok ng apoy sa sunog na naganap sa Novaliches, Quezon City kaninang tanghali, Pebrero 23, iniulat ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Nabatid sa ulat ng BFP-QC na naganap ang sunog 12:15 p.m. sa Villa Real st., Barangay Gulod, Novaliches, nasabing lungsod.

Ayon kay Senior Supt. Bobby Barruelo, BFP-QC Fire Marshal chief, umabot ang sunog sa fourth alarm at ganap na na-fire out dakong 1:24 p.m.

Wala namang iniulat na nasugatan o casualties sa naturang sunog, habang inaalam pa ang pinagmulan ng insidente. Santi Celario

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply