26 OFW sa Ehipto babalik sa Pinas

INAASAHANG uuwi na ngayong Pebrero 5 ang may 26 Overseas Filipino Workers galing Ehipto makaraang sumiklab ang kaguluhan sa protesta na nananawagan sa pagbaba ng kanilang Pangulo na si Hosni Mubarak.

Nabatid kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesman Ed Malaya, umalis sa Cairo International Airport kahapon ang first batch ng mga voluntary evacuees.

Nagdesisyon ang mga Pinoy na umuwi na ng bansa bunsod ng patuloy na tensiyon sa Ehipto.

Kaugnay nito, inihayag ng DFA na hindi pa kailangan ang mandatory evacuations ng mga Filipino sa Ehipto. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply