26 Pinoy workers mula Egypt nakauwi na

DUMATING na sa bansa ang 26 na Filipino mula sa Egypt, matapos boluntaryong umuwi sa patuloy na tensyon sa nasabing bansa.

Pasado alas-kuwatro ng hapon nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport ang eroplano ng United Arab Emirrates na pinagsakyan nila mula Cairo.

Sinalubong naman ng mga opisyal ng Department of Foreign Affairs at OWWA ang mga bagong dating na mga kababayan. Gwenn Salamida

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply