26 Pinoy sa Egypt pabalik na ng Pinas

NAKATAKDANG dumating sa Pilipinas ang unang bulto ng mga Pilipino mula sa bansang Egypt sa Sabado, Pebrero 5.

Ayo kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesman Ed Malaya, ang 26 na Pinoy ay binubuo ng 12 kababaihan, siyam na menor de edad at limang kalalakihan.

Ito’y bunsod na rin ng pagsiklab ng kaguluhan sa nasabing bansa bunsod na rin ng panawagang bumaba sa puwesto kay Egypt President Hosni Mubarak.

Binubuo ang grupo ng 12 kababaihan, siyam na menor de edad at limang kalalakihan.

Nabatid na 16 sa mga Pilipino ay nagmula sa Maadi, Cairo habang ang tatlo naman ay nagtatrabaho sa Dar Al Fouad Hospital sa Giza at lima sa Nasr City.

Kabilang din sa ililikas ng embahada ng Pilipinas ang ang mga household helper at Filipino scholars sa Al-Azhar University.

Sinabi pa ni Malaya na nakipagtulungan ang embahada sa International Organization for Migration upang makasakay ng eroplano ang mga Pilipino pabalik ng Pilipinas.

Iniulat din nito na walang banyaga ang nasaktan o namatay sa nagaganap na kaguluhan bagama’t lumabas sa mga pandaigdigang balitaan na grupong maka-Mubarak na ang nakikipag-bangayan sa mga nagsasagawa ng kilos-protesta. Freddie Cortez

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply