$2M anomalya sa AFP, nabulgar din

PANIBAGONG multi-milyong anomalya ang nabulgar sa Senado hinggil sa pagbili ng pumalpak na Unmanned Armored Vehicle (AUV) na nagkakahalaga ng $2 milyon na binili ng Armed Forces of the Philippines (AFP) mula sa Israel.

Sa pagpapatuloy na imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa pamumuno ni Sen. Teofisto Guingona III, sinabi ni dating AFP budget officer Lt. Col. George Rabusa na inutusan siya ni Gen. Roy Cimatu na mag-produce ng $200 milyon bilang pambili ng naturang sasakyan.

Sinabi pa ni Rabusa na walang naganap na canvassing at bidding sa naturang proyekto dahil inaprub kaagad ng nakatataas na opisyal ng Department of National Defense (DND) dahil masyado nang agrabiyado ang militar sa Abu Sayyaf.

Sa tanong ni Sen. Jinggoy Estrada kung bakit sa Herrera Branch ng Security Bank dinala ang naturang halaga dahil nasa Quezon City ang Camp Aguinaldo, sinabi ni Rabusa na kaibigan ni Ret. Gen. Lohico ang branch manager nito na isang Bermie Tukmo.

Inihayag pa ni Rabusa na dinala ang naturang AUV sa Basilan, “Pero nagkabagsakan (ang AUV) kaya hindi nagamit ang demo units.”

Dahil pumalpak ang sasakyan, nabawi naman ng AFP ang ibinayad na buwis ng ahensiya sa Bureau of Custom sa pamamagitan ng isang Commander Paglikawan na nagkakahalagang P2.1 milyon saka ibinalik ni Rabusa ang kaubuan ng halaga kay Gen. Villanueva. Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply