3 0FWs sa China nanganganib pa rin

INIWASAN ni Vice President Jejomar Binay na pangunahan kung may pag-asa pang mabago ang itinakdang parusa sa tatlong Filipino na nahatulan ng kamatayan dahil sa drug trafficking sa China.

Sinabi ni Binay na nasa Supreme People’s Court ng China ang desisyon at ang pagpaliban sa execution ay nasasaad rin sa batas ng nasabing bansa.

“I think it’s very clear that there is a process to be followed. Wala tayong sasagutin kung kelan tatagal o kung mapo-postpone, o maibababa ang penalty,” pahayag ni Binay  sa isang press conference sa Ninoy Aquino International Airport terminal 2 pagkalapg nito noong Sabado ng gabi, Pebrero 19, kasama si Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Affairs Esteban Conejos Jr. lulan ng Philippine Airlines flight 307 mula sa China.

Si Binay ay umalis noong Biyernes, Pebrero 18, patungong Beijing para ipakiusap na mabawasan ang parusa ng tatlong OFWs na sina Sally Ordinario Villanueva, Ramon Credo at Elizabeth Batain na nakatakdang bitayin ngayong Lunes (Pebrero 21) at sa Martes (Pebrero 22) sanhi ng pagdadala ng heroin sa China noong 2008.

Nagpasalamat si Binay  sa Chinese government sa mainit na pagtanggap sa mga kinatawan ng Pilipinas at inihayag naman ni Pangulong Hu Jintao na ihatid ang kanyang pagbati kay Pangulong Benigno Aquino para sa ika-25 anibersaryo ng EDSA People Power.

Pilit na iniwasan ni Binay ang mga tanong kung may hangganan ba ang postponement ng sentensiya ng tatlong Pinoy at wala itong malinaw  na sagot dito.

Sinabi niyang may ginagawang proseso ang mga opisyal ng China na hindi niya nalalaman.

“Baka naman ang proseso niyan eh, yung fully lift na babaguhin ang penalty,” pahayag pa nito.

Ayon naman kay Conejos, nirerespeto ng Philippine government ang batas ng China at ang pagsasapinal ng hatol sa mga manggagawang Pinoy.

Dahil dito ay hindi na kailangan pang pumunta ng China ang pami-pamilya ng tatlong Filipino.

“Hindi na sila aalis, Kasi nandun na. Tutal naman na-postpone na,” pahayag pa ng pangalawang pangulo.

Ilang  foreign nationals na ang naparusahan ng kamatayan sa nasabing bansa  dahil sa kasong droga kabilang na ang isang Japanese at  ilang  Nigerians at  noong 2009, binitay rin sa China ang isang Briton dahil sa drug trafficking. Benny Antiporda

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply