3-anyos, 1 pa sugatan sa sumabog na granada

SUGATAN ang dalawang biktima sa pagpapasabog ng granada sa Brgy. San Antonio, Sarrat Ilocos Norte, Laoag City.

Kinilala ang mga biktima na sina Orlando Miguel at isang tatlong  taong gulang na bata habang ang suspek naman ay kinilalang si Joseph Bolibol.

Ayon kay Police S/Insp. Cristopher Danao, chief of police ng Sarrat, isang  atis-type na granada ang pinasabog ni Bolibol matapos makaaway ang isang kamag-anak.

Nakatakdang operahan ang biktimang si Miguel nang magtamo ng shrapnel sa paa habang nakalabas na ng ospital ang tatlong taong gulang na bata na nakaranas ng minor injury sa ulo.

Kaagad namang tumakas ang suspek na si Bolibol matapos ang insidente. Gwenn Salamida

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply