3 magkakamag-anak na Chinese kritikal sa sunog

LAPNOS ang buong katawan ng isang Chinese national, habang tatlo pang kaanak ang nasa kritikal na kondisyon  matapos  ma-suffocate nang sumiklab ang sunog sa kanilang condominium sa Soler St., Binondo, Manila, Huwebes ng madaling-araw, Pebrero 3.

Kinilala ang mga biktima na sina Huky Chua, 60, nakaranas ng 3rd degree burn sa buong katawan, mister na si Manuel Chua, 67; at mga anak na sina Regina Chua, 34; Ellen Jane Chua, 35; at Evangeline Chua, 37 pawang ng Room 207 Formost Bldg. Soler st., Binondo, Manila.

Sa panayam kay George Go ng  Volunteer Fire Group, 4:30 ng madaling-araw nang sumiklab ang sunog sa loob ng bahay ng pamilya Chua habang mahimbing pang natutulog ang pamilya.

Isang maliit na electrical candle umano ang pinagmulan ng sunog na umabot sa unang alarma at tanging ang kanilang condominium lamang ang nilamon ng apoy.

Ayon kay Go, ang tatlong mga biktima ay nasa kritikal na kondisyon sanhi ng suffocation.

Patuloy naman sa imbestigasyon ang arson operatives. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply