3 Chinese nationals timbog sa raid sa shabu lab

NALANSAG ang isang hinihinalang shabu laboratory habang tatlong hinihinalang Chinese nationals ang nadakip sa isinagawang raid ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Caloocan City .

Isinilbi ang arrest warrant na ipinalabas ni Hon. Maria A. Cancino-Erum, Executive Judge of Regional Trial Court (RTC) Branch 210 ng Mandaluyong City, laban kay Jimmy Chua alias “Jessie Chua.”

Sinalakay ng PDEA ang isang apartment na matatagpuan sa 173 Unit C Asuncion St., Morning Breeze, Caloocan City kung saan natagpuan ang isang lady occupant na nakilalang si Xiaoyan Wang, 22, isang Chinese national, kasama ang kanyang limang buwang anak na lalaki. Ang babae ay nahihirapang magsalita ng English at Filipino at  mariing itinatanggi na may  Jimmy Chua na nakatira sa naturang lugar.

Sa naturang pagsalakay sa ikalawang palapag ng bahay natagpuan ang suspek na si Cai Hong Xuan, 30, at ang kitchen-type laboratory na may ilang improvised equipment, drug paraphernalia at hindi pa mabatid na dami ng hinihinalang shabu.

Nadakip din ang isang Cai Lian Qiao, 38, common law spouse ni Wang. Siniyasat din ng mga awtoridad ang  sasakyan ng mga suspek na Honda CRV na may plakang ZHW-257 at nakumpiska roon ang ang 15  sachets ng shabu. Santi Celario

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply